"Tuwing
umiiyak ng malakas,
may
kabang titingin sa labas,
hindi
hiling ngunit mag aabang,
pag
aalala'y ganun na lang,
Bawat
buhos sa bubong,
sa sarili
bumubulong,
bawat
kulog nagdadasal,
huwag na
sanang magtagal,
Bakit
dito ka nagpakita,
kung gano
kabilis bumaha,
ganun
kabilis humupa,
Matatakot
ba o matutuwa,
kung gano
kabilis bumaha,
ganun
kabilis humupa,
Matulog
na, makakatulog ba,
malamig
ang pakiramdam, magtiwala ka,
tumaas
man o lumakas,
pano pa
kaya yung mga nasa labas,
Kumalma ka
tatahan din,
matulog
ka lang ng mahimbing,
damhin
natin ang kapreskuhan,
sa daang
ating tinirahan,
Bakit
dito ka nagpakita,
kung gano
kabilis bumaha,
ganun
kabilis humupa,
Matatakot
ba o matutuwa,
kung gano
kabilis bumaha,
ganun
kabilis humupa.."