Friday, April 18, 2014

Juday



“Inaamin ko, malabo nang maging tayo,
naman kase, isang daan ang suitors mo,
meron pa ba, akong ibang magagawa,
yan ang tanong na ang tanging sagot ay ‘wala’,

Pero pagdating ng panahon,
na sa isa ka nalang nakatuon,
ako’y lubhang mag aalala,
pagkat minsan minahal kita,

Juday, juday, wag kang bibigay,
wag ka munang mangahas baka ikaw ay sumablay,
sige ka, ikaw rin,
at wala ng iba pang sisisihin,

That’s your life, you do what you wanna do,
this is my life, I say what I wanna say,
I did this just because of you,
and knowing that you’ll never stay,

Juday, mapalad ang magiging ama ng iyong mga anak,
maswerte ang makakasama mong kabiyak,
kasabay mong tumanda sa paglipas ng panahon,
di ko nga lang sigurado kung sino sa amin ‘yon,

Juday, juday, wag kang bibigay,
wag ka munang mangahas baka ikaw ay sumablay,
sige ka, ikaw rin,
dadami nanaman ang iyong paiiyakin..”