“Lahat tayo buhay sa umpisa,
lilipas ang panahon minsan mag-iisa,
paulit-ulit lang tila naghihintay,
kung sino nalang sa’tin ang syang mamamatay,
Matatapos sa eskwela, iiwan ang guro,
tatanda nalang siyang ikaw ang natuto,
bumibilis ka habang sya’y bumabagal,
pagdalaw sa kanya, sayo’y sagabal,
naghihintay lang siya, ikaw ang humiwalay,
sa kanyang pagpanaw, sinong namatay?
Nagpalaki at naghubog sa mabuting tao,
mga magulang na ibinigay panabla pati pato,
napagod, tumanda at tsaka humina,
pagmalasakit sa kanya sayo’y bihira,
hindi ka niya iniwan, bakit ka humiwalay,
sa kanyang pagpanaw, sinong namatay?
Dinadamayan ka sa hirap at ginhawa,
siya yung iniyakan mo nung wala ka ng syota,
tunay na kaibigan siyang nariyan,
pero bakit kapag magkikita, marami kang dahilan,
namimiss ka na niya, wag kang hihiwalay,
kapag siya’y pumanaw, sinong mamamatay?..”