Monday, January 28, 2013

Pag-ibig Na Naman


“Pag-ibig na naman, lagi naman ganyan,
Ang daming sinasabi; walang kapaguran,
Puro ka ganito, puro ka ganyan,
May pinaghugutan ka ba o imbento mo lang yan?

Pag-ibig na naman, paulit-ulit ka na lang,
Hanap ka ng hanap, ikaw yatang kulang-kulang,
Ikaw ‘tong nagrereklamo, ikaw ang gumalaw,
Sa pinili mong musika ikaw ang sumayaw,

Pag-ibig na naman, hindi ka na nagsawa,
Sa puso mong napapaos, hindi ka na naawa,
Sa utak mong pagod na walang nararating,
Isip ka ng isip, aba’y galaw-galaw din,

Pag-ibig na naman, katulad ng iba,
Pare-pareho lang silang walang pinagkaiba,
Akala mo kung sinong nagmamagaling,
Akala mo aliping daing ng daing,

Pag-ibig na naman, natuto ka na siguro,
Pero iba pa rin ang feeling kapag ikaw na mismo,
Wag matakot maramdaman, lahat tayo dadaan dyan,
Paikot-ikot lang yan, o Pag-ibig nga naman..”


Monday, January 14, 2013

Holding Hands (Sa Panaginip)


“Pagpikit ng mga mata, dun magsisimula,
Ang byaheng di alam kung sa’n papunta,
Sakay ng jeep tayong dalawa,
Ngunit sa’ting gitna, meron ring dalawa,
Pero ang isa’y nakayuko, ang isa’y nakaliyad,
Tila magbibigay daan sa ating mga hangad,

Bawat tingin mo’y nangungusap,
Bawat ngiti mo’y umiibig,
Kahit hindi tayo mag-usap,
Ako’y iyong napapaibig,

Hanggang sa nasabi mo,
“hawakan mo ang kamay ko”
At napaisip ako,
“Diyos ko, salamat po”

Naghawak ating mga kamay,
Ngitiang walang humpay,
Naglalarong mga daliri,
Holding hands sa panaginip,

Sana’y di na matapos ‘to,
Sana’y laging ganito,
O bakit ginising mo pa ako,
Kailan nga ba magkakatotoo,

Ang paghawak ng ating mga kamay,
Matatamis na ngiting walang humpay,
Naglalarong mga daliri,
Holding hands sa panaginip..”

                                         ♥♥♥♥♥ :)


Thursday, January 3, 2013

Ligaw Na Bala


“O anong saya sa mapayapa,
Bawat gumagalaw ay malaya,
Lahat ng emosyon ay maligaya,
Pero yun ang aking akala,

Nandito lang ako masayang nagmamasid,
Sa maingay at magulong paligid,
Bakit ako pa ang tatamaan,
Sa dinamiraming tampalasan,

Nasaan ka ? Sino ka ?
Masasabi ko bang para sa’kin ka,
Pinaalam mo sana ang pagbitaw mo,
Nang nakapaghanda ang puso ko,

Hindi ko yan masasalo aking mahal,
Buhay ko dyan ay di magtatagal,
Kung bakit mo sinabay sa hiyaw at ingay,
Nakitil mo pa ang aking buhay,

Nasa’n ka man, sino ka man,
Masdan mo ang iyong kagagawan,
Kung panong mabilis mong pinag-iba,
Masaya na sana, lumungkot pa..”