“Pag-ibig
na naman, lagi naman ganyan,
Ang
daming sinasabi; walang kapaguran,
Puro
ka ganito, puro ka ganyan,
May
pinaghugutan ka ba o imbento mo lang yan?
Pag-ibig
na naman, paulit-ulit ka na lang,
Hanap
ka ng hanap, ikaw yatang kulang-kulang,
Ikaw
‘tong nagrereklamo, ikaw ang gumalaw,
Sa
pinili mong musika ikaw ang sumayaw,
Pag-ibig
na naman, hindi ka na nagsawa,
Sa
puso mong napapaos, hindi ka na naawa,
Sa
utak mong pagod na walang nararating,
Isip
ka ng isip, aba’y galaw-galaw din,
Pag-ibig
na naman, katulad ng iba,
Pare-pareho
lang silang walang pinagkaiba,
Akala
mo kung sinong nagmamagaling,
Akala
mo aliping daing ng daing,
Pag-ibig
na naman, natuto ka na siguro,
Pero
iba pa rin ang feeling kapag ikaw na mismo,
Wag
matakot maramdaman, lahat tayo dadaan dyan,
Paikot-ikot
lang yan, o Pag-ibig nga naman..”
No comments:
Post a Comment