Saturday, February 2, 2013

Tajota


“Mula sa kasalukuyan, babalikan mo ang nakaraan,
Mangiyak-ngiyak kang inaalala mabigat na karanasan,
Kung bakit umabot sa ganon kaya nagkaganito,
Masikip na dibdib, isip litung-lito,

Sugatang puso, lumuluhang mata,
Nasaan na kaya sila?
Bilisan nyo habang buhay pa ko,
Ako’y samahan na,

May namamatay at nawawala,
May nabubuhay sa sobrang tuwa,
May sumusuko sa pagkabigo,
Magbibigti dahil sa’yo,

Bakit hindi mo nakita na merong pag-asa,
Paulit-ulit pero di ka magsasawa,
Lahat ng prublema ay may solusyon,
Wag kang matakot alam mo dapat ‘yon,

Pero kung yan ang pasya hala sige,
Salamat na rin at nasamahan mo kami,
Kahit papano, kahit saglit,
Hanggang sa muli, mag-enjoy sa langit..”



No comments:

Post a Comment