Sunday, February 24, 2013

Hindi Ko Alam




“Gusto ko siya, ewan ko siya,
may kislap naman ang pagtama ng mga mata,
ngumingiti ring magkasabay,
at parang ayaw ng humiwalay,

Ibang klaseng pakiramdam,
wag mong itanong, hindi ko alam,

Hindi ko alam kung bakit ganon,
napaglalaruan ng pagkakataon,
hindi ko alam kung ano na ba,
wag mong itanong, ako’y nagtataka,

Di masabing ako’y naiiba,
kung sa iba nama’y ganun din siya,
tulungan mo naman ako,
anong maitatawag sa ganito,

Sige na, baka meron kang alam,
kung ako ang tatanungin, hindi ko alam,

Hindi ko alam kung bakit ganito,
marupok lang ba talaga ako,
hindi ko alam kung ano na ba,
baka pwede namang sabihin mo na..”


No comments:

Post a Comment