Sunday, March 17, 2013

Naturalesang May Angas


"Bakit anong nangyari?
bagsak ang ulo, gusot ang mukha,
bakit anong sinabi?
wala na ba talagang magagawa,

Sana sinabi mo, “tao lang ako,
hindi kasing tibay na katulad niyo,
kung pwedeng pagbigyan,
ng sistema nyong pera-pera lang naman”,

Sa buhay wag kang tatakas,
Naturalesang may angas,
hindi ka na nasanay,
di ba’t ikaw ang Naturalesang may angas,

Naturingang makabayan,
pero hindi makamasa,
tignan ang kinalabasan,
isang malungkot na pamilya,

Sana sinabi mo, “tao lang ako,
hindi kasing tikas na katulad niyo,
kung pwede lang naman,
sa sistema nyong puro pera ang laman”,

Sa buhay wag kang tatakas,
Naturalesang may angas,
multuhin mo silang nagparanas,
Naturalesang may angas..”



Sunday, March 3, 2013

Paano Kung


“Paano kung nagigising ka dahil binubuhay ka lang ulit,
para magpakatino, magpasaya, magmahal, tumulong at magpakabait,

Paano kung sa kalagayan mong yan ay swerte ka pa rin,
kumpara sa mga may kapansanan, malubhang sakit, walang tirahang natutulog kung san man antukin,

Paano kung yung nakatabi mo sa jeep ay sya palang nakatadhana sa’yo,
pero hindi mo malalaman hanggat takot ang puso mo,

Paano kung yung mga pagkakataon ay binigay sa’yo ng Diyos, itutuloy mo na lang,
tapos naduwag at tinamad ka kaya sinayang mo na lang,

Paano kung lahat ng yan ay pinahiram lang sayo para enjoyin,
hindi para angkinin, ipagdamot, ipagyabang dahil babawiin lang din,

Paano kung yung pinlano at inaabangan mo ay di na mangyayari?
gagawin mo na ba ngayon yung ayaw mo gawin dati?

Paano kung sinulat ko lang to para mapag isip ka,
kahit di mo tanggapin eh nabasa mo na,

Paano kung hanggang dyan na lang ang ‘yong mararating?
Paano kung pagtulog mo mamaya hindi ka na magising?..”