Sunday, March 3, 2013

Paano Kung


“Paano kung nagigising ka dahil binubuhay ka lang ulit,
para magpakatino, magpasaya, magmahal, tumulong at magpakabait,

Paano kung sa kalagayan mong yan ay swerte ka pa rin,
kumpara sa mga may kapansanan, malubhang sakit, walang tirahang natutulog kung san man antukin,

Paano kung yung nakatabi mo sa jeep ay sya palang nakatadhana sa’yo,
pero hindi mo malalaman hanggat takot ang puso mo,

Paano kung yung mga pagkakataon ay binigay sa’yo ng Diyos, itutuloy mo na lang,
tapos naduwag at tinamad ka kaya sinayang mo na lang,

Paano kung lahat ng yan ay pinahiram lang sayo para enjoyin,
hindi para angkinin, ipagdamot, ipagyabang dahil babawiin lang din,

Paano kung yung pinlano at inaabangan mo ay di na mangyayari?
gagawin mo na ba ngayon yung ayaw mo gawin dati?

Paano kung sinulat ko lang to para mapag isip ka,
kahit di mo tanggapin eh nabasa mo na,

Paano kung hanggang dyan na lang ang ‘yong mararating?
Paano kung pagtulog mo mamaya hindi ka na magising?..”


No comments:

Post a Comment