Saturday, April 6, 2013

Mariang Magiliw



“Si Mariang Magiliw, maganda at masiyahin,
sa bilog ng kaibigan, wala siyang pipiliin,
hangga’t magaan sa damdamin, maingay niyang kakausapin,
hindi lubos isipin, maraming sasabihin,

Si Mariang Magiliw, minsan walang kyeme gumalaw,
pero ikatutuwa mo ang kanyang pagka gaslaw,
pakikitungong matamis na medyo hilaw,
walang ibang titikim kundi ikaw,

O kay gandang pagmasdan,
ang taglay mong kagandahan,
pagbigyan ang aking sasabihin,
sa’yo na lang ako, ikaw na lang sa’kin,

Si Mariang Magiliw hindi maintindihan,
gusto mong angkinin pero ika’y mag aalangan,
hindi lang ikaw ang pwedeng tumingin,
kung anong nakukuha mo, sa iba’y ganun din,

Si Mariang Magiliw kailan kaya,
makikita sa’kin ang nakikita ko sa kanya,
kay lapit para pagmasdan,
kay layo para mahagkan,

O kay gandang pagmasdan,
ang taglay mong kagandahan,
kailan mararanasan,
magiliw na pagmamahalan..”




♥ ♥ ♥
♥ ♥ ♥ ♥ ♥

No comments:

Post a Comment