“Inay patawarin mo ako,
noong ako pa’y medyo
maliit,
wala na yata ibang nagawa
kundi magkulit,
bawat kilos ay
nagsisilbing laro,
di ko man sadyang ikaw ay
mahapo,
Inay patawad noong ako’y
nag-aaral na,
gigising ka ng maaga para
kami ipaghanda,
ng pagkain, damit at
gamit sa eskwela,
na kailangan mong gawin
kahit wala kang gana,
Inay patawad noong ako’y natuto
na,
ng kung anu-anong
ikinagalit mo pa,
alam kong hindi ito ang
nais mong mangyari,
magpasaway at magpabaya
sa aming sarili,
Inay patawarin mo ako
noong panahon na,
namamaliit at nasisigawan
pa kita,
ulap sa ulo, masamang
impluwensya,
kaya di ka na inintindi
pa,
Inay patawad kung ako’y
napapalayo,
udyok ng tadhanang hindi
ko ginusto,
di na madalas kung magkasama,
hindi na, hindi pa
makuhang tumawa,
Inay patawarin mo ako ngayong
huli na,
mga sinasabi ko di mo na
maririnig pa,
kung kalian ka humimlay
saka ako nagpumilit magdasal,
na sana naiparamdam
ko sa’yo kung gaano kita kamahal..”
No comments:
Post a Comment