"Wag ka munang
magbilang ng sisiw,
hanggat wala pang
napipisa,
wag masyadong sobrahan
ang giliw,
baka ikaw ay mapahiya,
Wag mo syang hawakan
sa ulo,
baka maipit ang dugo,
wag mong talian sa
leeg,
takot ka yatang
madaig,
Hindi lahat ng alam mo
ay tama,
may kanya kanya tayong
paniniwala,
minsan ka ring
nagkakamali,
aminin at wag
ikakaila,
Ayoko nang makipag usap sa'yo,
hindi ka naman nagpapatalo,
wag ka ng makipag usap
sa iba,
sasama lang ang loob
nila,
Ayoko nang umasa, di
na bale,
nang iiwan ka lang din
naman sa ere,
di ka naman
makasarili, praktikal lang,
di ka naman praktikal,
makasarili lang,
Hindi lahat ng alam mo
ay tama,
may kanya kanya tayong
paniniwala,
minsan ka ring
nagkakamali,
aminin mo man o
ipagpilitang hindi..”