Thursday, March 27, 2014

Aries


"Wag ka munang magbilang ng sisiw,
hanggat wala pang napipisa,
wag masyadong sobrahan ang giliw,
baka ikaw ay mapahiya,

Wag mo syang hawakan sa ulo,
baka maipit ang dugo,
wag mong talian sa leeg,
takot ka yatang madaig,

Hindi lahat ng alam mo ay tama,
may kanya kanya tayong paniniwala,
minsan ka ring nagkakamali,
aminin at wag ikakaila,

Ayoko nang makipag usap sa'yo,
hindi ka naman nagpapatalo,
wag ka ng makipag usap sa iba,
sasama lang ang loob nila,

Ayoko nang umasa, di na bale,
nang iiwan ka lang din naman sa ere,
di ka naman makasarili, praktikal lang,
di ka naman praktikal, makasarili lang,


Hindi lahat ng alam mo ay tama,
may kanya kanya tayong paniniwala,
minsan ka ring nagkakamali,
aminin mo man o ipagpilitang hindi..”



No comments:

Post a Comment