Friday, February 14, 2014

Minsan Iibig Ka


"Minsan iibig ka, nang hindi mo namamalayan,
sa madalas mong kasama, kausap, kakulitan,
sa minsan mong pina-miss at iniwanan,
sa nag-aalangan kang tawagin syang kaibigan,

Minsan iibig ka, ng matindi at matagal,
akala mo kayo na habangbuhay,
akala mo hindi na matatapos,
akala mo lang yun, lahat naman natatapos,

Minsan iibig ka, sa dalagang maganda,
pinapangarap ng lalaking madla,
kagalakang pinagsisigawan sa buong mundo,
ngunit di ni maibulong kung ba’t naghiwalay kayo,

Minsan iibig ka, ng palihim at patago,
sa edad ninyong medyo magkalayo,
mga damoves mong baka makabuo,
kaya kung ano pa man ay tinigil mo,

Minsan iibig ka, sa lalaking mapusok,
dadaganan ka lang hanggang ikaw ay mabulok,
nagmamahal ka at the same time nag aalaga,
tinanggal nya lang sa’yo ang iyong pagka dalaga,

Minsan iibig ka, at lolokohin,
that’s why you don’t dream of love anymore
kasi baka ka lang bangungutin,
kalilimutan at palalampasin,
que se joda’ng sya na pala ang nararapat mahalin,

Minsan iibig ka, pero sya hindi,
babagsak ang mga luha na dati ay ngiti,
lalabo ang samahan na pinapatagal,
at magbabaka sakaling mapalitan ng pagmamahal..”




No comments:

Post a Comment