“Isa, dalawa,
tatlo,
ako ay
nalilito,
kung kanino si
sino,
kung sino ang
kanino,
Si Mark,
labing-walo,
maporma, medyo
mestiso,
hindi maitatanggi,
ang paghanga
nya kay Cathy,
Si Cathy,
labing-anim,
maputi,
maganda,
hindi
maikakaila,
si Harold ang
gusto niya,
Si Harold,
dalawampu’t dalawa,
marami ring
may gusto sa kanya,
pero ang tibok
ng puso nya,
ay kay Mark
lang talaga,
Isa, dalawa,
tatlo,
ako ay
nalilito,
kung kanino si
sino,
kung sino ang
kanino,
Walang mali
kung walang
sasalungat,
kung pag-ibig
at pagmamahal
ang paiiralin
ng lahat..”
No comments:
Post a Comment