"Kaya pala, kaya pala hindi mo
masabi,
di ka marunong dumiskarte,
kaya pala hindi mangyari,
dahil takot ka sa masasabi,
Kaya pala hanggang tingin ka lang,
palagi ka nalang naiilang,
kaya pala hindi maging kayo,
iba’ng nakalaan para sa’yo,
Kaya pala hindi ka masaya,
kahit nakakasama mo pa sya,
kaya pala kahit pagtabihin,
parang ang layo nyo pa rin,
Kaya pala may katapusan ang lahat,
kahit gano kaganda ang pamagat,
kahit gano katamis ang istorya,
kung hindi naman pala kayo ang
bida,
Kaya pala, kaya pala ang dami mo ng nasasabi,
natuto ka nang dumiskarte,
kaya pala gustong may mangyari,
dahil wala ng takot sa pagsabi,
Kaya pala hanggang tingin nalang
ako,
sa hinayang ko at sinayang mo,
kaya pala di maging tayo,
dahil iba’ng nakalaan para sa’yo,
Kaya pala masaya pa rin,
kahit di na namamansin,
kaya pala kahit paglayuin,
parang magkatabi pa rin,
Kaya pala ang lahat ay may
katapusan,
kahit matamis ang sinimulan,
dahil sa pagbalik ng ating istorya,
tayo ulit ang magiging bida..”
No comments:
Post a Comment