Monday, December 1, 2014

Panahon Na Para Maghiwalay



“Sa mga nakaraang dati nating ikinasaya,
mga kumikislap na tama ng mga mata,
mga ngiti at haplos na makahulugan,
unti-unti na nating hayaan mapag iwanan,
   
 Yung mga pagsasamang nakakakilig,
mga salitang nais marinig,
mga matatamis na moment nyo noon,
patabangin na sana natin ngayon,

Dahil nandito na tayo sa kasalukuyan,
may mga bagay nang dapat pagtuunan,
di naman kailangan na limutin,
di na rin kailangan pang ulitin,

Dahil nandito na tayo sa kasalukuyan,
iiwasan na ang dating lambingan,
dahil baka lang pag-awayan,
at mapunta lang sa hiwalayan,

Panahon na para maghiwalay,
ang noon sa ngayon,
dahil nandito na tayo sa ngayon,
at natapos na ang noon..”


No comments:

Post a Comment