Thursday, February 28, 2013

Maui Take It Easy



"Looks like you're happy today,
with a grin that has a lot to say,
because of that boy in front of you,
I feel a malicious thing you'll do,

While you cut, you talk,
getting some reason to stalk,
but why you bring him to the room,
are you going to do a few little boom,

Maui take it easy,
bakit pabulong ang 'yong sinasabi,
takot ka bang marinig nila,
ang luntian mong anomalya,

Oh no, not there,
stop it or he'll just stare,
maybe he's liking it too,
so what's next you gonna do,

Maui take it easy,
bakit pabulong ang 'yong sinasabi,
takot ka bang marinig nila,
ang luntian mong anomalya.."



Sunday, February 24, 2013

Hindi Ko Alam




“Gusto ko siya, ewan ko siya,
may kislap naman ang pagtama ng mga mata,
ngumingiti ring magkasabay,
at parang ayaw ng humiwalay,

Ibang klaseng pakiramdam,
wag mong itanong, hindi ko alam,

Hindi ko alam kung bakit ganon,
napaglalaruan ng pagkakataon,
hindi ko alam kung ano na ba,
wag mong itanong, ako’y nagtataka,

Di masabing ako’y naiiba,
kung sa iba nama’y ganun din siya,
tulungan mo naman ako,
anong maitatawag sa ganito,

Sige na, baka meron kang alam,
kung ako ang tatanungin, hindi ko alam,

Hindi ko alam kung bakit ganito,
marupok lang ba talaga ako,
hindi ko alam kung ano na ba,
baka pwede namang sabihin mo na..”


Thursday, February 14, 2013

Balentayms


“What’s with the clamour I couldn’t see,
in every thought expressed there’s always the “V”,
looks like it hurt them since before,
how pathetic they’re shouting it more,

C’mon baby bleed it out,
tell us what it’s all about,

In the Balentayms, in the Balentayms,
look at you when it’s Balentayms,

Hey mama tell me what they’re up to,
very excited of things they will not do,
masochism, bitterness, name it,
shame on them for crappy bullshit,

C’mon baby bleed it out,
tell us what it’s all about,

In the Balentayms, in the Balentayms,
look at you when it’s Balentayms,
are you better or bitter when it’s Balentayms..”



Saturday, February 9, 2013

Magkaibigan


“Pasok sa eskwela, para ka makasama,
ganda mo ay makita oh please,
biglang magtitinginan tapos magngingitian,
tibok ng mga puso’y bibilis,

Kikiligin, haharutin, aasarin,
kailan mo ba ako mamahalin,

Ganyan lang ng ganyan dahil magkaibigan,
ganyan lang ng ganyan hanggang magka ibigan,

Miyerkules na naman, sabik kang aasahan,
sayang mararanasan hanggang gabi,
dadating ang sabado, puso’y medyo kabado,
tapos hiling sana’y maulit muli,

Kikiligin, sasambiting kailan mo ba ako mamahalin,

Ganyan lang ng ganyan dahil magkaibigan,
ganyan lang ng ganyan hanggang magka ibigan..”


♥ ♥ ♥ ♥ ♥


Saturday, February 2, 2013

Tajota


“Mula sa kasalukuyan, babalikan mo ang nakaraan,
Mangiyak-ngiyak kang inaalala mabigat na karanasan,
Kung bakit umabot sa ganon kaya nagkaganito,
Masikip na dibdib, isip litung-lito,

Sugatang puso, lumuluhang mata,
Nasaan na kaya sila?
Bilisan nyo habang buhay pa ko,
Ako’y samahan na,

May namamatay at nawawala,
May nabubuhay sa sobrang tuwa,
May sumusuko sa pagkabigo,
Magbibigti dahil sa’yo,

Bakit hindi mo nakita na merong pag-asa,
Paulit-ulit pero di ka magsasawa,
Lahat ng prublema ay may solusyon,
Wag kang matakot alam mo dapat ‘yon,

Pero kung yan ang pasya hala sige,
Salamat na rin at nasamahan mo kami,
Kahit papano, kahit saglit,
Hanggang sa muli, mag-enjoy sa langit..”