Sunday, June 16, 2013

Super Tatay



“Haplos mo ang gumigising sa’kin sa umaga,
ikaw ang nagluluto sa’min ng sunog na tilapia,
ang kumukuskos ng aming ulo pag-alis,
kaha mong matibay kahit tustado at manipis,

Ang yumayakap kay nanay,
bago niya ikutin ang buong bahay,

Tumatagas ang gripo, ikaw ang tubero,
bumigay ang kama, ikaw na ang bahala,
may butas ang kisame, ikaw rin ang dadale,
kung anuman ang may sira, ikaw ang tumitira,

Super Tatay, ikaw ang aming tatay,
ikaw ang bumubuhat ng bubong ng ating bahay,
mahal na mahal ka namin pati na rin si nanay,
wala kang kasing tibay, aming Super Tatay,

Nagpapaka hapo sa napiling trabaho,
mapunan lang ang kailangan nila iha at iho,
 damit ni ate, gadget ni kuya,
kapalit man ang ‘yong dugo, pawis at luha,

Lambing kay nanay, upa sa bahay,
rumeresbak kung meron mang kaaway,
umaalalay kay junior sa pagbibinata,
payo sa dalagang ayaw mapariwara,

Ano pang kulang sige sabihin mo,
maliit man o malaki, ipinagpapasalamat ko,

Super Tatay, ikaw ang aming tatay,
ikaw ang bumubuhat ng bubong ng ating bahay,
mahal na mahal ka namin pati na rin si nanay,
wala kang kasing tibay, aming Super Tatay..”

No comments:

Post a Comment