“Meron
akong “kaibigan”,
pang
babae ang pangalan,
may
ugaling lumalaban,
ang
kakampi magiging kalaban,
Pursigidong
pag-iisip,
ipinapasok
kahit pilit,
matayog
ang pananaw,
hangga’t
di siya umaayaw,
Sasamahan
ka, dadamayan ka,
yun
eh kung may gamit ka,
sabik
na sabik siyang manalo,
di
naman magawang pumalo,
At sa
kalagitnaan ng bunuan,
kapag
nakita kang duguan,
at
matamlay ang katawan,
iiwan
ka na nyan,
Ganun
lang kadali para sa kanya,
anong
masasabi mo, ngayon alam mo na,
karamay
ka kung natutulungan mo siya,
basahan
ka kung di mo nasunod ang gusto niya,
Madalas
kanta ang naririnig mo,
at
iba ang pagka intindi nito,
pero
iba sa pagkakataong ito,
ang
kahulugan ng ‘pusong bato’,
Meron
akong “kaibigan”,
‘wag
mo sanang tularan,
may
ugaling kapangitan,
ang
kakampi magiging kalaban..”
No comments:
Post a Comment