"Minsan iibig ka, nang
hindi mo namamalayan,
sa madalas mong kasama,
kausap, kakulitan,
sa minsan mong
pina-miss at iniwanan,
sa nag-aalangan kang
tawagin syang kaibigan,
Minsan iibig ka, ng
matindi at matagal,
akala mo kayo na
habangbuhay,
akala mo hindi na
matatapos,
akala mo lang yun,
lahat naman natatapos,
Minsan iibig ka, sa
dalagang maganda,
pinapangarap ng
lalaking madla,
kagalakang
pinagsisigawan sa buong mundo,
ngunit di ni maibulong
kung ba’t naghiwalay kayo,
Minsan iibig ka, ng
palihim at patago,
sa edad ninyong medyo
magkalayo,
mga damoves mong baka
makabuo,
kaya kung ano pa man ay
tinigil mo,
Minsan iibig ka, sa
lalaking mapusok,
dadaganan ka lang
hanggang ikaw ay mabulok,
nagmamahal ka at the
same time nag aalaga,
tinanggal nya lang sa’yo
ang iyong pagka dalaga,
Minsan iibig ka, at
lolokohin,
that’s why you don’t
dream of love anymore
kasi baka ka lang
bangungutin,
kalilimutan at
palalampasin,
que se joda’ng sya na
pala ang nararapat mahalin,
Minsan iibig ka, pero
sya hindi,
babagsak ang mga luha
na dati ay ngiti,
lalabo ang samahan na
pinapatagal,
at magbabaka sakaling
mapalitan ng pagmamahal..”