“Iana, nasa’n ka, sa’n ka ba pumupunta,
wag kang aalis, di ka pa nagbibihis,
dito ka lang, wag kang malikot Iana,
baka mawala ka, wag naman sana,
maaga pa naman dito muna tayo,
laro muna tayo, kasama rin si tito,
Si Iana ay makulit,
puro tanong, puro bakit,
puro hiyaw, puro sigaw,
walang ibang kukulitin kundi ikaw,
Iana matagal din tayong hindi nagkita,
sabik na ‘ko sa mga ngiti mong hindi ko nakita,
Iana, wag kang mainip darating ako,
ikaw ang maglalaro ng saya at lungkot ko,
Si Iana ay kyut at mabait,
minamahal namin, nakakatuwang maliit,
masayahin, mapagmahal, mapaglaro,
nagbibigay kulay sa tadhanang nagbibiro,
Iana nasa’n ka, sa’n ka ba pumupunta,
hindi ka na raw namin makikita,
sabi ko sa’yo wag kang aalis,
Iana sobra ka naming mamimis,
dyan ka lang, wag kang malikot Iana,
kung may mga pagkakataon pa sana,
huli na ang lahat magkahiwalay na tayo,
wala nang laro, paano na ‘ko..”