Thursday, September 5, 2013

"Masarap Maging Single"



“Wag kang mag marunong,
hindi mo madidiktahan kung kailan titibok ang puso,
guro man o propesor,
sasablay ka pa rin kahit anong gawin mong pagturo,

Naaalala mo pa ba yung matalino mong kaklase,
oo nga matalino pero wala namang diskarte,
akala mo kung sinong Maria Clara,
tapos bigla kang imbitado sa binyag ng anak niya,

Minsan sasakay ka ng bus,
at may mag syota sa’yong harapan,
tapos may love songs kang pinapakinggan,
titibok ang iyong puso; pwedeng masakit,
naaasar, naiinggit o kaya ay mapait,

Hindi ka maiinspire, kasi naiisip mo:
bakit ba kasi hindi ako crush ng crush ko,
kami sana yan, naglalambingan,
at nakakahiyang pinagtitinginan,

Minsan sasakay ka ng jeep,
at may mag jowa kang kasabay,
magkayakap na, magkahawak pa’ng kamay,
tapos maiinis ka, maiinggit, dededmahin mo,
tapos iisipin mo na lang yung studies mo,

Pero hindi porket subsob ka sa pag-aaral
eh wala ka nang romantic love na mararamdaman,
kasi kahit bakasyon naman meron kang natututunan,

Hindi mo pwedeng dedmahin,
kasi kahit nga artista namamansin,
pwede mo namang idahilan yung prioritization,
pero pwede mo rin naman sigurong haluan ng inspiration,

Diba masaya yun,
habang nakasubsob o focused ka sa pag-aaral o kahit sa trabaho,
matamis pa rin ang dahilan ng biglaang pag ngiti mo,
yung bawat makasalubong mong lalaki, gusto mong apiran,
bawat makasalubong mong babae gusto mong halikan,

Kasi inspired ka,
wala namang course na ‘love’ kaya hindi mo kinakarir sa ngayon,
pero wag mong dedmahin dahil gagamitin mo yan sa takdang panahon,

Tigil ko na muna, kasi may pasok ka pa bukas..”

No comments:

Post a Comment