“Meron akong crush, syempre maganda,
maganda kung sa’kin sya mapupunta,
okay naman, nagkakausap kami, nagtatawanan,
pero walang malalim na pinag uusapan,
Tinginan, ngitian, mga ganon,
paulit-ulit lang, kasi torpe pa ‘ko no’n,
minsan binibiro ko siya, tinatawanan nya ‘ko,
at unti-unting tumibok ang aking puso,
Pundasyon talaga ang pagkakaibigan,
islash, pagkukulitan,
tsaka yung tinatawag nilang “constant communication”,
kaya lagot ka pag nawala ‘yon,
Dumadaan ang mga araw at nakatambay lang ako,
sa damdamin kong di malaman kung totoo,
nililigawan ko na sya sa aking mga panaginip,
pero nasa realidad kami, di ko naisip,
Sabi niya, ayaw nya munang magka syota,
repa ako’y naniwala,
yun pala, echos nya lang ang tema,
kulang nalang ay bigti na,
Tapos isang araw nakasalubong ko sya may kasamang lalaki,
malagkit ang pagkakadikit, kinabahan ako ng konti,
hindi naman ako *&%$#@ tulad ng iba,
kaya naramdaman ko na kung anong meron sila,
Masasaktan ka daw kung nag assume o expect ka,
masasaktan ka daw kasi mahal mo siya,
ngayon pare ikaw na’ng mamili kung alin dyan sa dalawa,
Hihinga ka nalang ng malalim hanggang malunod ka,
sa sakit ng mga love songs na pinatugtog mo pa,
may mga pampa lubag loob na kanta,
may mga gawain namang kailangan mo pang tapusin t*nga,
Sasabihin mo na lang sa sarili mo na marami pa dyang iba,
na baka sila ang naka tadhana sa isa’t isa,
na baka maghiwalay rin sila pag nagkataon,
na baka maging kayo pa rin sa takdang panahon..”
No comments:
Post a Comment