“May panahong dumating na ika’y malungkot,
parang nag iisa, ang noo ay kunot,
naghahanap ng makakasama,
karamay sa hirap at ginhawa,
Ngayon eto’t may dumating,
ikaw naman ‘tong medyo praning,
dahil sa wakas natagpuan mo na sya,
pero yun ang iyong inaakala,
Kakilala, kausap, kachat, kabiruan,
may tawanan pa’t konting harutan,
masaya naman ang mga panahong ‘yon,
hanggang mawala ang komunikasyon,
May dahilan siya, may dahilan ka,
may dahilan kayong dalawa,
di mo naman sinasadya talaga,
pero ganun ang kinalabasan, nakakapagtaka,
Lumipas ang mga araw at mga buwan,
pero hindi ang iyong nararamdaman,
ganun pa rin ang tibok na matamis,
kahit sobra mo na syang namimiss,
“Kamusta na kaya siya,
naaalala nya pa kaya ako,
alam nya kayang nakapag move on na ‘ko,
di na siguro importanteng malaman niya,
ano nga naman ba ako sa buhay niya..”
Nakakalungkot minsan isipin,
na ang mga dumarating ay lilisan din,
wag ka lang makaramdam ng buong puso,
dahil kung sino’ng gumawa, siya ang talo,
Wag mong kalimutan kaibigan,
na walang permanenteng sandalan,
kundi dapat may matutunan
sa mga naranasan,
Ang mahalaga ay kung ano ka pa rin,
anuman at sinuman ang palampasin,
dahil ang natatangi mong kakampi,
walang iba kundi sarili..”
No comments:
Post a Comment