“Hindi lahat ng
pumuputok ay nakamamatay,
yung iba
nagbibigay buhay,
Bakit kung kailan
nabingi na ang lahat,
tsaka lang
malalaman kung anong tunay,
Bakit kailangan
pang may maputukan bago kami matauhan,
Sinong dapat
sisihin, ang nagpaputok o ang naputukan ?
Mainit ang ulo o
mabugsong damdamin,
Walang habas ang
gagawin, wala ka ng sasabihin,
Sila na nga ang
may pakana, maghahanap pa ng sisisihin,
Kung di ka pa
namatay, di ka pa yata iibigin,
Gat Jose Rizal,
hindi na kami masyadong nagpapaputok ngayon,
Gising na kami
sa mga sugat na pinaunawa mo noon,
Sa panahon kasi
ngayon mailap ang salapi,
Di ka na sasabay,
mas pipiliin mong magtimpi,
Baka naman kasi
makapatay ka lang,
Dudumi lang ang
imahe mo bilang nilalang,
Kaya siguro
mag-iingay na lang kami hanggang mapaos,
Yung kapayapaan
mong gusto ay wag matapos,
Wag ka mag-alala
halos kami ay natatauhan na,
Ang pagpapaputok
ay bibigyang disiplina na,
Gat Jose Rizal,
hindi na kami masyadong nagpapaputok ngayon,
Mulat na kami sa
mga sugat na pinakita mo noon..”