Friday, December 14, 2012

Tulog Mahimbing


“Wag ng matulog, gigising lang din,
Di ka naman talaga mahirap mahalin,
Pikit mata mo lang iisnabin,
Ang akala mong bangungot ayaw tanggapin,

Pero bakit gabi-gabi yumayakap ka,
Sa unan na kahit walang punda,
Nangangarap na yan sana sya,
Kaya lang kasi ayaw mo pa,

Akala mo tulog ka pero nakapikit ka lang,
Kaya’t ramdam mo pa rin ang pagkailang,
Half body mo lang ang nakakapagpahinga,
Half heart mo naman di makahinga,

Tulog na mahal ko, at managinip,
Positibo lahat ang isaisip,
Walang idudulot na masama,
Kapag mabuti ang paggawa,

Gising na mahal ko, ibigin mo rin ako,
Heto nga’t tatabi na lang sa iyo,
Lingon mo lang at imbita,
Para maging katabi kita,

Kadalasang nakakatakot ang simula,
At minsan ang katapusan ay malungkot nga,
Pero magtiwala ang mahalaga,
Enjoyin, pasayahin natin ang gitna..”



No comments:

Post a Comment