Tuesday, December 4, 2012

Sagittarius




“Babasahin mo to dahil Sagittarius ka o kahit hindi,
Ngingitian ang mga tama, ngingiwian ang mga mali,
Pagbubutihan ang mga positibo, titimplahin ang mga negatibo,
Maiba man ang pananaw, di ka pa rin magbabago,

Sige lang iho, wag kang matakot, sabihin mo,
Anumang tinitibok ng iyong puso,
Sabihin lang ang gustong sabihin,
iparamdam lang ang nararamdaman,
At aawayin ka ng mga taong di ka maintindihan,

Pero hinay-hinay, dahan-dahan, kadyot-kadyot,
Lagyan ang katawan ng konting takot,
Sabihin na nating wala kang paki sa kanila,
E pano naman kung sabihin kong mahal ka nila,

Sige lang iha, wag kang mahiya, umibig at magmahal,
Kahit ang pag-ibig mo’y hindi tumatagal,
Kahit ang ganda mo’y iba’t ibang karanasan,
Wag kang mag-alala matatauhan din yan,

Kaya’t dahan-dahan, kadyot-kadyot, hinay-hinay,
Wag basta sugod, sayawan ang buhay,
Wag puro bugso, subukang mamangha,
At pagbutihin kung sino kang talaga..”




No comments:

Post a Comment