Thursday, December 27, 2012

Pati Pato



“Bakit tulala’t nakatigil,
Lagyan mo naman ng konting gigil,
Kahit sa’n ka pumunta ay laro,
Hindi lahat ng laro ay puno,

Obligado kang sumali, magbabaka-sakali,
Panimula nga muna diba bago ang pinale,
Pa’no ka matatapos kung di mo sisimulan,
Laruin mo ng maayos anumang kahantungan,

Itaya mo pati pato, kahit di ka sigurado,
Wag kang mag-alala hindi tayo patatalo,
Humawak ka sa’kin at magtiwala,
Sabay tayo, tumawa man o lumuha,

Syempre may reserba para sa sarili,
Itago mo hanggang handa kang ibahagi,
Ganun din ako, hindi man sigurado,
Kaya’t pareho nating ilalaban ang panalo,

Sabi nga sa rap ng idol kong makata,
Pa’no mananalo sa lotto kung hindi tumataya,
Pag-ibig ang panabla, sa Diyos magtitiwala,
Sabay tayong dalawa, tumawa man o lumuha..”




No comments:

Post a Comment