Saturday, December 29, 2012

Gat Jose Rizal, Hindi Na Kami Masyado Nagpapaputok Ngayon


“Hindi lahat ng pumuputok ay nakamamatay,
yung iba nagbibigay buhay,
Bakit kung kailan nabingi na ang lahat,
tsaka lang malalaman kung anong tunay,
Bakit kailangan pang may maputukan bago kami matauhan,
Sinong dapat sisihin, ang nagpaputok o ang naputukan ?

Mainit ang ulo o mabugsong damdamin,
Walang habas ang gagawin, wala ka ng sasabihin,
Sila na nga ang may pakana, maghahanap pa ng sisisihin,
Kung di ka pa namatay, di ka pa yata iibigin,

Gat Jose Rizal, hindi na kami masyadong nagpapaputok ngayon,
Gising na kami sa mga sugat na pinaunawa mo noon,

Sa panahon kasi ngayon mailap ang salapi,
Di ka na sasabay, mas pipiliin mong magtimpi,
Baka naman kasi makapatay ka lang,
Dudumi lang ang imahe mo bilang nilalang,

Kaya siguro mag-iingay na lang kami hanggang mapaos,
Yung kapayapaan mong gusto ay wag matapos,
Wag ka mag-alala halos kami ay natatauhan na,
Ang pagpapaputok ay bibigyang disiplina na,

Gat Jose Rizal, hindi na kami masyadong nagpapaputok ngayon,
Mulat na kami sa mga sugat na pinakita mo noon..”



No comments:

Post a Comment