Saturday, October 12, 2013

Para Kay Boyfriend




“Kamusta na pare ko,
may nabalitaan ako,
LDR pala kayo ng girlfriend mo,

Wag kang malulumbay,
hindi sigurado ang buhay,
lahat ng nagtatagpo ay naghihiwalay,

Para sa’yo ang awit na ‘to,
matakot ka sa lovelife nyo,
every story has an end,
sincerely para kay boyfriend,

Nakikita ko sya,
nakita ko sila,
daig ka pa, sila ay masaya,

Masisisi mo ba,
kung ang kaibigan nya,
at hindi ikaw ang laging kasama niya,

Wag kang mababahala,
minsan tumatama ang hinala,
ganyan talaga mag match making ang tadhana,

Para sa’yo ang awit na ‘to,
matakot ka sa lovelife nyo,
every story has an end,
sincerely para kay boyfriend,

May dahilan kung ba’t kayo pinaglayo,
may dahilan kung ba’t sila pinagtagpo,
baka sila naman pag tapos niyo..”

Monday, September 23, 2013

Iana


“Iana, nasa’n ka, sa’n ka ba pumupunta,
wag kang aalis, di ka pa nagbibihis,
dito ka lang, wag kang malikot Iana,
baka mawala ka, wag naman sana,
maaga pa naman dito muna tayo,
laro muna tayo, kasama rin si tito,

Si Iana ay makulit,
puro tanong, puro bakit,
puro hiyaw, puro sigaw,
walang ibang kukulitin kundi ikaw,

Iana matagal din tayong hindi nagkita,
sabik na ‘ko sa mga ngiti mong hindi ko nakita,
Iana, wag kang mainip darating ako,
ikaw ang maglalaro ng saya at lungkot ko,

Si Iana ay kyut at mabait,
minamahal namin, nakakatuwang maliit,
masayahin, mapagmahal, mapaglaro,
nagbibigay kulay sa tadhanang nagbibiro,

Iana nasa’n ka, sa’n ka ba pumupunta,
hindi ka na raw namin makikita,
sabi ko sa’yo wag kang aalis,
Iana sobra ka naming mamimis,
dyan ka lang, wag kang malikot Iana,
kung may mga pagkakataon pa sana,
huli na ang lahat magkahiwalay na tayo,
wala nang laro, paano na ‘ko..”



Wednesday, September 18, 2013

Helow, Gudbay


“May panahong dumating na ika’y malungkot,
parang nag iisa, ang noo ay kunot,
naghahanap ng makakasama,
karamay sa hirap at ginhawa,

Ngayon eto’t may dumating,
ikaw naman ‘tong medyo praning,
dahil sa wakas natagpuan mo na sya,
pero yun ang iyong inaakala,

Kakilala, kausap, kachat, kabiruan,
may tawanan pa’t konting harutan,
masaya naman ang mga panahong ‘yon,
hanggang mawala ang komunikasyon,

May dahilan siya, may dahilan ka,
may dahilan kayong dalawa,
di mo naman sinasadya talaga,
pero ganun ang kinalabasan, nakakapagtaka,

Lumipas ang mga araw at mga buwan,
pero hindi ang iyong nararamdaman,
ganun pa rin ang tibok na matamis,
kahit sobra mo na syang namimiss,

“Kamusta na kaya siya,
naaalala nya pa kaya ako,
alam nya kayang nakapag move on na ‘ko,
di na siguro importanteng malaman niya,
ano nga naman ba ako sa buhay niya..”

Nakakalungkot minsan isipin,
na ang mga dumarating ay lilisan din,
wag ka lang makaramdam ng buong puso,
dahil kung sino’ng gumawa, siya ang talo,

Wag mong kalimutan kaibigan,
na walang permanenteng sandalan,
kundi dapat may matutunan
sa mga naranasan,

Ang mahalaga ay kung ano ka pa rin,
anuman at sinuman ang palampasin,
dahil ang natatangi mong kakampi,
walang iba kundi sarili..”

Monday, September 9, 2013

Meron Akong Crush


“Meron akong crush, syempre maganda,
maganda kung sa’kin sya mapupunta,
okay naman, nagkakausap kami, nagtatawanan,
pero walang malalim na pinag uusapan,

Tinginan, ngitian, mga ganon,
paulit-ulit lang, kasi torpe pa ‘ko no’n,
minsan binibiro ko siya, tinatawanan nya ‘ko,
at unti-unting tumibok ang aking puso,

Pundasyon talaga ang pagkakaibigan,
islash, pagkukulitan,
tsaka yung tinatawag nilang “constant communication”,
kaya lagot ka pag nawala ‘yon,

Dumadaan ang mga araw at nakatambay lang ako,
sa damdamin kong di malaman kung totoo,
nililigawan ko na sya sa aking mga panaginip,
pero nasa realidad kami, di ko naisip,

Sabi niya, ayaw nya munang magka syota,
repa ako’y naniwala,
yun pala, echos nya lang ang tema,
kulang nalang ay bigti na,

Tapos isang araw nakasalubong ko sya may kasamang lalaki,
malagkit ang pagkakadikit, kinabahan ako ng konti,
hindi naman ako *&%$#@ tulad ng iba,
kaya naramdaman ko na kung anong meron sila,

Masasaktan ka daw kung nag assume o expect ka,
masasaktan ka daw kasi mahal mo siya,
ngayon pare ikaw na’ng mamili kung alin dyan sa dalawa,

Hihinga ka nalang ng malalim hanggang malunod ka,
sa sakit ng mga love songs na pinatugtog mo pa,
may mga pampa lubag loob na kanta,
may mga gawain namang kailangan mo pang tapusin t*nga,

Sasabihin mo na lang sa sarili mo na marami pa dyang iba,
na baka sila ang naka tadhana sa isa’t isa,
na baka maghiwalay rin sila pag nagkataon,
na baka maging kayo pa rin sa takdang panahon..”



Thursday, September 5, 2013

"Masarap Maging Single"



“Wag kang mag marunong,
hindi mo madidiktahan kung kailan titibok ang puso,
guro man o propesor,
sasablay ka pa rin kahit anong gawin mong pagturo,

Naaalala mo pa ba yung matalino mong kaklase,
oo nga matalino pero wala namang diskarte,
akala mo kung sinong Maria Clara,
tapos bigla kang imbitado sa binyag ng anak niya,

Minsan sasakay ka ng bus,
at may mag syota sa’yong harapan,
tapos may love songs kang pinapakinggan,
titibok ang iyong puso; pwedeng masakit,
naaasar, naiinggit o kaya ay mapait,

Hindi ka maiinspire, kasi naiisip mo:
bakit ba kasi hindi ako crush ng crush ko,
kami sana yan, naglalambingan,
at nakakahiyang pinagtitinginan,

Minsan sasakay ka ng jeep,
at may mag jowa kang kasabay,
magkayakap na, magkahawak pa’ng kamay,
tapos maiinis ka, maiinggit, dededmahin mo,
tapos iisipin mo na lang yung studies mo,

Pero hindi porket subsob ka sa pag-aaral
eh wala ka nang romantic love na mararamdaman,
kasi kahit bakasyon naman meron kang natututunan,

Hindi mo pwedeng dedmahin,
kasi kahit nga artista namamansin,
pwede mo namang idahilan yung prioritization,
pero pwede mo rin naman sigurong haluan ng inspiration,

Diba masaya yun,
habang nakasubsob o focused ka sa pag-aaral o kahit sa trabaho,
matamis pa rin ang dahilan ng biglaang pag ngiti mo,
yung bawat makasalubong mong lalaki, gusto mong apiran,
bawat makasalubong mong babae gusto mong halikan,

Kasi inspired ka,
wala namang course na ‘love’ kaya hindi mo kinakarir sa ngayon,
pero wag mong dedmahin dahil gagamitin mo yan sa takdang panahon,

Tigil ko na muna, kasi may pasok ka pa bukas..”

Monday, August 19, 2013

Gladiola



"Tuwing umiiyak ng malakas,
may kabang titingin sa labas,
hindi hiling ngunit mag aabang,
pag aalala'y ganun na lang,

Bawat buhos sa bubong,
sa sarili bumubulong,
bawat kulog nagdadasal,
huwag na sanang magtagal,

Bakit dito ka nagpakita,
kung gano kabilis bumaha,
ganun kabilis humupa,
Matatakot ba o matutuwa,
kung gano kabilis bumaha,
ganun kabilis humupa,

Matulog na, makakatulog ba,
malamig ang pakiramdam, magtiwala ka,
tumaas man o lumakas,
pano pa kaya yung mga nasa labas,

Kumalma ka tatahan din,
matulog ka lang ng mahimbing,
damhin natin ang kapreskuhan,
sa daang ating tinirahan,

Bakit dito ka nagpakita,
kung gano kabilis bumaha,
ganun kabilis humupa,
Matatakot ba o matutuwa,
kung gano kabilis bumaha,
ganun kabilis humupa.."

Tuesday, July 2, 2013

Meron Akong "Kaibigan"



“Meron akong “kaibigan”,
pang babae ang pangalan,
may ugaling lumalaban,
ang kakampi magiging kalaban,

Pursigidong pag-iisip,
ipinapasok kahit pilit,
matayog ang pananaw,
hangga’t di siya umaayaw,

Sasamahan ka, dadamayan ka,
yun eh kung may gamit ka,
sabik na sabik siyang manalo,
di naman magawang pumalo,

At sa kalagitnaan ng bunuan,
kapag nakita kang duguan,
at matamlay ang katawan,
iiwan ka na nyan,

Ganun lang kadali para sa kanya,
anong masasabi mo, ngayon alam mo na,
karamay ka kung natutulungan mo siya,
basahan ka kung di mo nasunod ang gusto niya,

Madalas kanta ang naririnig mo,
at iba ang pagka intindi nito,
pero iba sa pagkakataong ito,
ang kahulugan ng ‘pusong bato’,

Meron akong “kaibigan”,
‘wag mo sanang tularan,
may ugaling kapangitan,
ang kakampi magiging kalaban..”

Sunday, June 16, 2013

Super Tatay



“Haplos mo ang gumigising sa’kin sa umaga,
ikaw ang nagluluto sa’min ng sunog na tilapia,
ang kumukuskos ng aming ulo pag-alis,
kaha mong matibay kahit tustado at manipis,

Ang yumayakap kay nanay,
bago niya ikutin ang buong bahay,

Tumatagas ang gripo, ikaw ang tubero,
bumigay ang kama, ikaw na ang bahala,
may butas ang kisame, ikaw rin ang dadale,
kung anuman ang may sira, ikaw ang tumitira,

Super Tatay, ikaw ang aming tatay,
ikaw ang bumubuhat ng bubong ng ating bahay,
mahal na mahal ka namin pati na rin si nanay,
wala kang kasing tibay, aming Super Tatay,

Nagpapaka hapo sa napiling trabaho,
mapunan lang ang kailangan nila iha at iho,
 damit ni ate, gadget ni kuya,
kapalit man ang ‘yong dugo, pawis at luha,

Lambing kay nanay, upa sa bahay,
rumeresbak kung meron mang kaaway,
umaalalay kay junior sa pagbibinata,
payo sa dalagang ayaw mapariwara,

Ano pang kulang sige sabihin mo,
maliit man o malaki, ipinagpapasalamat ko,

Super Tatay, ikaw ang aming tatay,
ikaw ang bumubuhat ng bubong ng ating bahay,
mahal na mahal ka namin pati na rin si nanay,
wala kang kasing tibay, aming Super Tatay..”

Wednesday, June 12, 2013

Feliz Día de la Independencia


“Masaya, wala nang kontrabida,
talaga, hindi mo na makita,
nandun na, sa nakaraan humupa,
maayos na nga ba pero teka,

Ano yang ginagawa mo,
hindi maka-Pilipino,
pakinggan mo ang sinasabi,
ganyan ba tayo dati,

Malaya na tayo pero paano,
marahil dun lamang sa mga dayo,
wag kang mag-alala,
hindi tayo nag-iisa,

Gunita, magbabad na lang sa kama,
bakit ba, wala rin namang mapapala,
papasok na lamang sa trabaho,
para madagdagan ang aking sweldo,

Pero teka, anong ginagawa mo,
hindi ka yata Pilipino,
pakinggan mo ang sinasabi,
ganyan ba tayo dati,

Malaya tayong mga Pilipino,
gumagalaw pero hawak sa ulo,
wag kang mag-alala,
hindi tayo nag-iisa..”



Tuesday, May 21, 2013

Mr. Sunny's Toy Wagon


“Oh it’s a sunny day,
I hope we are okay,
I’ve been looking forward to see you today,

I wish I got it all,
I’ll be there when you call,
with this ‘tingning’ tune,
from morning ‘til afternoon,

So c’mon children get out,
of your houses try to shout,
the things you wanna play,
then I’ll give you when I stay,

Ooh fascinate what you don’t hate,
happiness is the rebate,
if you want something colourful,
I’ll be the one to pull,

And if you found what you wanted,
tell your mom you’ll go for it,
tell your dad he should know it,
then thank me if you got it,

I think that’s all for now,
play around, around and round,
take care of that cause it will be,
the sign of love for you from me,

‘tingning ning ningning ningning,
tingning ning ningning ningning’..”


Saturday, May 11, 2013

Inay, Patawarin Mo Ako


“Inay patawarin mo ako,
noong ako pa’y medyo maliit,
wala na yata ibang nagawa kundi magkulit,
bawat kilos ay nagsisilbing laro,
di ko man sadyang ikaw ay mahapo,

Inay patawad noong ako’y nag-aaral na,
gigising ka ng maaga para kami ipaghanda,
ng pagkain, damit at gamit sa eskwela,
na kailangan mong gawin kahit wala kang gana,

Inay patawad noong ako’y natuto na,
ng kung anu-anong ikinagalit mo pa,
alam kong hindi ito ang nais mong mangyari,
magpasaway at magpabaya sa aming sarili,

Inay patawarin mo ako noong panahon na,
namamaliit at nasisigawan pa kita,
ulap sa ulo, masamang impluwensya,
kaya di ka na inintindi pa,

Inay patawad kung ako’y napapalayo,
udyok ng tadhanang hindi ko ginusto,
di na madalas kung magkasama,
hindi na, hindi pa makuhang tumawa,

Inay patawarin mo ako ngayong huli na,
mga sinasabi ko di mo na maririnig pa,
kung kalian ka humimlay saka ako nagpumilit magdasal,
na sana naiparamdam ko sa’yo kung gaano kita kamahal..”



Wednesday, May 1, 2013

May Day


“What happened yesterday? You told me you’ll love me,
everything were said until undone so unhappy,
I thought it was gonna, but you just make me feel wanna,

Cold night, wet bodies, new faces, we almost got it,
tell me when was the last time we have met,
I thought that we are gonna, but you make us feel wanna,

Hey, it’s May Day
and I don’t know what to say, I don’t know what to say,
but hey, is there any other way,
tell me please so I know what I’ll have to say,

Getting closer and everybody’s playin’,
excitement and trips that they are talkin’,
until the day before yesterday of the day,
I thought were gonna but you make me wanna,

Hey, it’s May Day
and I don’t know what to say, I don’t know what to say,
but hey, is there any other way,
tell me please so I know what I’ll have to say..”





Tuesday, April 23, 2013

Nasan Ka Na Boy (Kailan Edition)


“Sabi mo tara dun tayo,
nagtatanong kung sinu-sino,
nakumpleto na bakit wala ka pa,

Lumalalim ang gabi,
may baso’t bote na sa tabi,
kami yung kasabayan mo, hindi na ba ?

Nasan ka na ba, anong nangyari sa’yo,
kilala mo pa ba yung kinakausap mo,
sana nandito pa kami hangga’t nandyan ka pa,
kung kailan nandito kami, parang wala ka na,

Wala ng laman, hilo nanaman,
hanggang kailan ba tayo ganyan,
kung kailan pwede tsaka nawalan ng diskarte,
wala na bang magawa kaya wala ka ng masabi ?

Ok lang may next time pa naman,
ipagdasal na lang nating mangyari at kung kailan,
wag kang mag alala, hindi naman talaga,
mag abang ka na lang ulit ng mga susunod na kanta,

Nasan ka na ba, anong nangyari sa’yo,
kilala mo pa ba yung kinakausap mo,
sana nandito pa kami hangga’t nandyan ka pa,
kung kailan nandito kami, parang wala ka na..”




Saturday, April 6, 2013

Mariang Magiliw



“Si Mariang Magiliw, maganda at masiyahin,
sa bilog ng kaibigan, wala siyang pipiliin,
hangga’t magaan sa damdamin, maingay niyang kakausapin,
hindi lubos isipin, maraming sasabihin,

Si Mariang Magiliw, minsan walang kyeme gumalaw,
pero ikatutuwa mo ang kanyang pagka gaslaw,
pakikitungong matamis na medyo hilaw,
walang ibang titikim kundi ikaw,

O kay gandang pagmasdan,
ang taglay mong kagandahan,
pagbigyan ang aking sasabihin,
sa’yo na lang ako, ikaw na lang sa’kin,

Si Mariang Magiliw hindi maintindihan,
gusto mong angkinin pero ika’y mag aalangan,
hindi lang ikaw ang pwedeng tumingin,
kung anong nakukuha mo, sa iba’y ganun din,

Si Mariang Magiliw kailan kaya,
makikita sa’kin ang nakikita ko sa kanya,
kay lapit para pagmasdan,
kay layo para mahagkan,

O kay gandang pagmasdan,
ang taglay mong kagandahan,
kailan mararanasan,
magiliw na pagmamahalan..”




♥ ♥ ♥
♥ ♥ ♥ ♥ ♥